Tuesday, May 12, 2009

Breaking the myth: The power of money


Pera o Mukha? Yes, alam natin si Brad Pitt yung nasa right pero sino yung isa? Pwet niya? Este, of course di natin siya kilala. Ganun talaga ang buhay sometimes 'di fair, at kung may swe-swertihin diyan, ay mag-pasalamat nalang; kung may mamalasin, ehh, goodluck na lang. I've been long intrigued with the issue between pera at itsura. In fact, mas-marami na ako ngayong nakikitang babae na may asawa o boyfriend na ang itsura ay parang nanay nalang nila ang makakatanggap ng pag-mumukha nila. Ito ba yung tinatawag na true love? or may hidden reason lang? Let's find out. Okay, looking at the pictures above, we all know na no-match ito pag-kinumpira mo, at parang Mike Tyson versus Palito ang magiging labas nito. Let's make a scenario nalang, yan. Let's consider anonymous persons sila. Tapos, kunwari, sa lugar niyo ay wala na talagang lalaki kung hindi mga unggoy na lang. Itong dalawang lalaki na 'to ay naging persistent suitors mo,and syempre since tumatanda ka na, kailangan mo na rin mag-decide kung sino sa kanila ang pakakasalan mo. Remember, strict ang parents mo and lahat ng kapatid, kamag-anak at kaibagan mo ay naka-asawa ng mga good-looking at mayayaman. Dapat ka na rin mag-desisyon. Bago ang lahat, ito ang tale of the tape:

Guy 1 (yung bakbak yung ngipin)

Face value: Very poor; unacceptable
Height: 1 inch shorter than you
Body: Alanganin
Profession: Established businessman
Cars: Mercedes, BMW, & Porche Properties: 5 Mansions & 2 buildings
Attitude: Funny, matalino, mabait & thoughful
Account: P 500M

Guy 2 (yung gwapingus)

Face value: Excellent
Height: at least 5 inches taller
Body: Body beautiful mala-greek god
Profession: Jack of all trades; pa-buhat dito pa-buhat doon para kumita
Cars: Wala at wala rin alam sa kotse
Properties: May lupa rin paminsan sa kuko
Attitude: Funny, matalino, mabait & thoughtful
Account: Wala at may utang pa nga na P338.00 na 2 years nang di mabaya-bayaran

So, nakita niyo na mga ang katangian nila. Ito na nga, medyo nade-develop ka na rin sa kanilang dalawa at parang nagbibigay na ng clue na ikaw na nga ang pakakasalan. Oo nga pala, di rin sila babaero, sa totoo pa nga mga one-woman man sila. Halos parehong-pareho ang ugali, pero yun nga lang, nag-kakaiba sa pera at itsura. Si Guy 1, sigurado di ka na makakatikim ng gutom, maliban nalang kung nakalimutan mo nalang bumili ng pag-kain, and lahat lahat ng gusto mo halos mabibili mo na. Ang downfall lang, paminsan wala nang challenge sa buhay at baka ma-bored ka lang. At sa tingin mo ba matutuwa ka sa bawa't pag-gising mo sa umaga ganun klaseng mukha ang sasalubong sa 'yo? Si Guy 2 naman, pwede naman talagang i-display sa lahat ng tao ng hindi kayo mahihiya. Pang showbiz talaga. Maganda rin naman ugali, yun nga lang, ni pambili ng sardinas di alam kung saan kukunin. Bahala na kayo mamili sa kanila. Sa mukha ba? O, sa pwet? Este!, sa ma-pera?

No comments:

Post a Comment